moosic is my religion.

Ikaw pa rin...
Cheesiness Alert!
It's in Filipino anyways. ;)



Nakakapagtaka, ano? Kahit sa sobrang tagal na panahon na magkasama, ganun pa rin yung feeling. Yung parang 'di mo kayang di siya makita. Yung di mo kaya na 'di mo siya makausap--kahit saglit man lamang. Yung 'di mo kayang hindi mo siya mahawakan. Mayakap. At masabihan na... "hoy, andito pa rin ako. Minamahal ka."



Maraming nagtanong sa akin kung bakit daw siya. Oo nga naman, noh? Nakakapagtaka talaga. Noong una nga di niya gusto na humiwalay ako sa nakaraan. 'Di kasi siguro niya nararamdaman na sa mga araw na nakasama ko siya, unti-unting nahulog ang aking puso at kahit mayroon na akong ideya na baliwala ang aking nararamdaman para sa kanya... tinuloy ko pa rin.



Ayaw ko naman lokohin sarili ko, diba. Sino naman may gusto nun.



Pero ang daming nagbago noong araw na iyon. Sino naman mag-aakala na sa pagsasama namin noong gabing iyon na... doon magsisimula ang lahat. Sa mga bawat yakap at salita na kanyang binitawan habang ang kanyang init ay sinasalubong ng lamig ng lugar... unti-unti kong naramdaman na lumakas ang aking nararamdaman para sa kanya.




Tingnan mo, Bee, magli-limang buwan na tayong magkasama...


... pero ang pakiramdam ay parang kahapon lang noong ako ay napa-ibig mo ng todo para sa iyo.


Sa mga nasasabi ko, sa mga pagkakamali ko na naging dahilan ng hindi pagkakaunawa... patawad...



So... tanong nga nila. Ano ang dahilan kung bakit tuluyang nahulog ang aking loob sa iyo?


Meron ka bang sapat na oras para basahin lahat iyon? ;)






Kakapiranggot na ligaya lumaki sa isang malaking biyaya,
Nung nakilala ka, lahat ay nagbago bigla.
Ang sarap mong kayakap, ang sarap mong kasama,
'Pag mga kamay mo ay nakadaplot sa akin,
Alam ko nang di ko na kailangan ng iba.




Thanks for the nap, the lazy shag, and the sweet kisses today, Bee. :)

Labels: ,